Election officer sa Mabini, Batangas patay sa pananambang

Nasawi makaraang tambangan sa Batangas ang election officer na nakatalaga sa bayan ng Mabini.

Naganap ang pananambang sa harapan ng isang shopping mall sa Barangay 4 sa bayan ng Bauan.

Ayon sa ulat ng Calabarzon Police, nag-aantay lang ng masasakyan pauwi si Noel Miralles nang siya ay pagbabarilin riding-in-tandem.

Sinabi ni Calabarzon police spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran agad tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng San Pascual, Batangas.

Dinala pa sa Bauan General Hospital si Miralles pero hindi na ito umabot ng buhay.

Ayo kay Batangas provincial election officer Gloria Petallo, 20 taon na sa Commission on Elections (Comelec) ang biktima.

Dati umano itong municipal election officer sa Bauan bago naitalaga sa Mabini.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...