Chinese Coast Guard na mapapatunayang nangunguha ng huling isda ng mga Pinoy, parurusahan ayon sa Chinese envoy
Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na mapaparusahan ang mga Chinese Coast Guard kung mapapatunayan ang sumbong na kinukuhanan nila ng huling isda ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.
Sa panayam kay Zhao matapos itong dumalo sa aktibidad sa Kawit, Cavite para sa anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, kinumpirma nitong kinausap siya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nasabing isyu.
Ani Zhao binanggit sa kaniya ng pangulo ang concern hinggil sa sapilitang pagkuha ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa huling isda ng mga Pinoy.
Ani Zhao, kung mapatutunayang guilty ang mga tauhan ng kanilang coast guard, sila ay mahaharap sa parusa.
Kaugnay naman sa pangamba ng ilang mambabatas hinggil sa paglapag ng Chinese Military plane sa Davao Airport ay sinabi ni Zhao na “nonsense” ang mga pangamba at paghahayag ng alarma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.