4 na miyembro ng BIFF patay nang tangkaing salakayin ang kampo ng militar sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas June 12, 2018 - 10:43 AM

Patay ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagsalakay sa kampo ng militar sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Captain Arvin Encinas, tinatayang 50 miyembro ng BIFF ang umatake sa detachment ng 57th Infantry Battalion sa Datu Unsay, Maguindanao.

Dito na sumiklab ang engkwentro sa mga sundalo at rebelde na tumagal nang isang oras.

Pinasabugan ng militar ng 81mm mortar ang BIFF dahilan para umatras ang mga ito.

Marami rin ang nasugatan sa panig ng mga rebelde.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BIFF, Datu Unsay, maguindanao, Radyo Inquirer, BIFF, Datu Unsay, maguindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.