Biyahe ng LRT-2 nagka-aberya; ilang minutong nagpatupad ng limitadong operasyon

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 12, 2018 - 10:32 AM

Nakaranas ng aberya ang biyahe ng Light Rail Transit – 2 na biyaheng Santolan to Recto at vice versa.

Sa abiso sa kanilang official Twitter account, alas 9:10 ng umaga nagpatupad ng limitadong operasyon ang LRT-2.

Ayon sa abiso, Anonas to Recto at pabalik lang ang naging biyahe dahil sa depektibong tren sa bahagi ng Anonas Station.

Agad namang naialis sa riles ang sirang tren at alas 9:18 ng umaga ay naibalik na sa normal ang operasyon.

Noong Lunes nagkaroon din ng problema sa biyahe ng LRT-2 at nagpatupad din ng limitadong operasyon dahil naman sa nawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Maynila dulot ng power interruption ng Meralco.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: limited operation, LRT 2, Radyo Inquirer, limited operation, LRT 2, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.