WATCH: Talumpati ni Pangulong Duterte sa 120th anniversary ng Independence Day sa Cavite, binulabog ng mga raliyista
Binulabog ng hiyawan ng mga raliyista ang pagsisimula ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite.
Magsisimula na sana ang talumpati ng pangulo nang biglang nagsisigaw ang mga raliyista na humalo sa mga taong nagmamasid sa lugar.
Isinigaw nila ng paulit-ulit ang ” “Huwad na Kalayaan, Duterte patalsikin!” kaya hindi agad nakapagsimula ng talumpati ang pangulo.
Agad namang pinayuhan ng pangulo ang mga pulis na pairalin lang ang maximum tolerance sa mga raliyista.
Aniya, nauuwaan niyang hindi lahat ay sang-ayon sa kaniyang pamumuno. Ang importante aniya, ang lahat ay mayroong pinagkakaisahan at iyon ay ang pagmamahal sa bayan.
Dahil tuloy sa pambubulabog ng mga raliyista hindi na nabasa ni Pangulong Duterte ang unang bahagi ng kaniyang talumpati.
Kabilang sa nalagpasan niya ay ang pag-acknowledge sa mga opisyal na dumalo sa aktibidad na kaniya na lang binalikan kalaunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.