Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa unang quarter ng 2018 na ginawa noong March 23 hanggang 27, 2018, lumitaw na 78% ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay kuntento sa pamamaraan ng pagpapatakbo ng demokrasya sa bansa.
Mas mababa ito ng dalawang puntos kumpara sa 80% na naitala noong June 2017.
Tinanong sa mga respondent sa nasabing survey kung sila ba ay “lubos na nasisiyahan, medyo nasisiyahan, hindi nasisiyahan o lubos na hindi nasisiyahan sa takbo ng demokrasya sa Pilipinas?”.
Ang pagiging kuntento ng mga Pinoy sa demokrasya ng bansa ay pinakamataas noong June 2010 kung saan nakapagtala ng record-high na 86 percent.
Ang March 2018 survey ng SWS ay mayroong 1,200 adult respondents sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.