Mga aktibidad para sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nagsimula na
Maagang nagsimula ang sabayang mga aktibidad para sa paggunita ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa Kawit, Cavite, sa kabila ng pagbuhos ng ulan ay maagang dumating ang mga makikilahok sa aktibidad.
Hindi naman nakarating on-time si Pangulong Rodrigo Duterte para sa alas 8:00 flag-raising ceremony. Pasado alas 8:00 na ng umaga nang dumating ang pangulo.
Sumakay kasi ng chopper ang pangulo na nahirapang agad makaalis ng Malakanyang dahil sa pag-ulan. Nang mga oras na iyon ay malakas din ang ulan sa Cavite at nakasailalim sa yellow warning ayon sa abiso ng PAGASA.
Dumalo rin sa aktibidad sa Kawit, Cavite rin si Defense Sec. Delfin Lorenzana at si PNP Chief Oscar Albayalde. Gayundin si Chinese Ambassador Xiao Jinhua.
Sa Rizal Park sa Maynila si Vice President Leni Robredo ang naguna sa pagtataas ng Watawat ng Pilipinas.
Si Roredo din ang nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose Rizal.
Dumalo din sa Rizal Park si Justice Sec. Menardo Guevarra habang hindi naman nakarating si Mayor Erap Estrada.
LOOK: Mga aktibidad sa Rizal Park sa Maynila sa paggunita ng ka 120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan | @ricksmile18 #ArawngKalayaan #IndependenceDay pic.twitter.com/zVCAALVrel
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 12, 2018
Si MMDA Chairman Danilo Lim naman ang nanguna sa aktibidad sa Monumento sa Caloocan.
LOOK: Aktibidad sa Monumento Caloocan sa paggunita ng ika 120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan | @jongmanlapaz #IndependenceDay #ArawngKalayaan pic.twitter.com/Tx48HFv9Gw
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 12, 2018
Samantala sa Barasoian Church sa Malolos, Bulacan, si Senator Richard Gordon naman ang nanguna sa aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.