LOOK: Navotas nag-alok ng libreng sakay sa mga nais magtungo sa Job Fair sa Rizal Park ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 12, 2018 - 07:02 AM

May libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Navotas para sa mga residenteng nais makilahok sa mga aktibidad sa Rizal Park ngayong paggunita sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng Navotas Cit y local government ang mga nais magpunta sa Job Fair ng Department of Labor and Employment ay bibigyan ng libreng sakay patungong Rizal Park sa Maynila.

Ito ay upang mabigyang pagkakataon ang kanilang mamamayan na makilahok sa mga aktibidad ngayong araw.

Maliban kasi sa Job Fair mayroon ding libreng dental, medical at optical services na gagawin din sa Rizal Park.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Free Ride, navotas, Radyo Inquirer, Rizal Park, Free Ride, navotas, Radyo Inquirer, Rizal Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.