1 sundalo patay sa pakikipagbakbakan sa ISIS-inspired group sa Maguindanao

CREDIT: 33rd Infantry Makabayan Battalion

Patay ang isang sundalo makaraang makabakbakan ang ISIS-inspired terrorist group sa General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao noong Lunes, June 11.

Ang nasawing sundalo ay nakilalang si PFC Garry Quitor, 27 anyos na tubong Pigcawayan, North Cotabato.

Bahagi si Quitor ng Alpha Company, 33rd Infantry Battalion na tumugis sa mga terorista sa Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Harold M Cabunoc, Commanding Officer 33rd Infantry Battalion, nag-volunteer si Quitor para magsilbing point man ng grupo sa kabila ng panganib.

Base sa impormasyon ng militar, kabilang sa nagtatagong terorista sa lugar ay si Salahuddin Hassan alyas Orak at ilan pang foreign jihadists.

Nakuha naman ng mga sundalo sa nasabing engkwentro ang Cal 30 Garand Rifle.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...