Taxi driver at pasahero sugatan matapos mahulog sa creek ang taxi sa Pasay City

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 12, 2018 - 06:35 AM

Contributed Photo

Sugatan ang taxi driver at pasahero nito makaraang mahulog ang sasakyan sa isang creek sa Pasay City.

Nawalan ng kontrol ang driver ng taxi na may plakang PBQ 719 kaya nabigla ito ng kabig pakanan dahilan para dumire-diretso ang taxi sa creek sa Andrews Avenue.

Base sa pahayag ng driver, hindi niya napansin ang concrete barrier sa lugar kaya nang mabangga niya ito ay bigla na siyang napakabig ng liko.

Bumaligtad pa ang taxi nang mahulog ito sa malapad na creek at humiwalay ang unahang bumper nito.

Nagtamo ng sugat sap aa ang driver ng taxi habang nabukulan naman ang babaeng pasahero.

Mabuti namang mababaw lang ang creek kaya hindi naman lumubog ang taxi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Andrews Avenue, Pasay City, Radyo Inquirer, Taxi, accident, Andrews Avenue, Pasay City, Radyo Inquirer, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.