Heavy rainfall warning nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez_Cargullo June 12, 2018 - 05:12 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila ngayong araw kasama na ang mga kalapit na lalawigan.

Sa 5:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Ito ay dahil pa rin sa tuloy-tuloy ay malakas na pag-ulan na nararanasan dulot ng Habagat.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa nasabing mga lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Zambales, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Northern Quezon.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

TAGS: bataan, Batangas, Bulacan, cavite, habagat, laguna, Metro Manila, northern quezon, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Rizal, Tarlac, weather, yellow rainfall warning, zambales, bataan, Batangas, Bulacan, cavite, habagat, laguna, Metro Manila, northern quezon, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Rizal, Tarlac, weather, yellow rainfall warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.