Pakikipagkaibigan sa China, ang tamang daan – Sen. Sotto

Kinampihan ni Senate President Tito Sotto III ang Malakanyang sa pagpapalakas ng relasyon sa China.

Ayon kay Sotto si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang top foreign diplomat ng bansa at tama lang na makipagkaibigan na ang Pilipinas sa ibang bansa at hindi lang sumentro sa Amerika.

Sa katunayan ay sinisi pa ni Sotto na ang pagiging malapit ng Pilipinas sa Estados Unidos ang dahilan kayat binomba ng Japan ang ating bansa noong World War 2.

Ipinahiwatig pa nito na nadadamay din ang Pilipinas sa mga bansang galit sa US dahil alam nila na matagal na ang ugnayang pang ekonomiya maging pang military ng dalawang bansa.

 

 

 

 

Read more...