Malabnaw na pahayag sa paglapag ng Chinese planes sa Davao, pinuna ni Sen. Ping Lacson
Iginiit ni Senator Ping Lacson na ang Department of National Defense ang tanging maaring mag-apruba sa paglipad o paglapag sa Pilipinas ng isang government plane ng ibang bansa.
Reaksyon ito sa pag amin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nakalapag na ang Chinese military transport plane sa Davao City nang malaman niya ito.
Ikinatuwiran pa ni Lorenzana na alam at pumayag naman na ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na lumapag sa Davao ang Chinese plane para mag-refuel.
Ngunit tanong ni Lacson, paano na lang kung may lumapag na 100 military planes ng China sa ibat ibang bahagi ng bansa at aniya baka magising na lang tayo na nasakop na tayo ng China.
Pagdidiin ni Lacson may implikasyon sa seguridad ng Pilipinas ang pagpasok ng eroplanong pandigma ng ibang bansa.
Aniya kung nasunod naman ang mga protocols sa paglapag ng military plane ng China sa Davao hindi na kailangan pang itago ito sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.