Oil price rollback, epektibo na ngayong araw

By Justinne Punsalang June 12, 2018 - 04:31 AM

 AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Epektibo na ngayong araw ang ikalawang sunod na linggo ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Mababawasan ng ng 55 sentimo kada litro ang presyo ng gasolina, habang kapwa 60 sentimo naman ang tapyas sa bawat litro ng kerosene at gaas.

Kabilang sa nag-abiso ng rollback ang mga kumpanya ng Caltex, Eastern Petroleum,  Flying V, Jetti, Petron, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell, PTT, at Total.

Sa abiso ng mga nabanggit na kumpanya, alas-6 ngayong araw ipapatuad ang bawas presyo.

Samantala, nauna nang nagpatupad ng rollback ang mga kumpanyang Petro Gazz at SeaOil kaninang alas-12 ng madaling araw.

Sa ngayon ay wala pang anunsyo ang UniOil tungkol sa rollback.

Ang oil price rollback ay dulot pa rin ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

 

 

 

TAGS: oil price roolback, oil price roolback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.