Pulong ng US at NoKor, mabilis ang usad

By Justinne Punsalang June 12, 2018 - 02:11 AM

Courtesy of KRT via AP Video

Posibleng maagang umalis ng Singapore si US President Donald Trump.

Ito ang inanunsyo ng White House bago pa man magaganap ang mismong pagpupulong ni Trump at ni North Korean leader Kim Jong Un.

Paliwanag ng White House, mas mabilis kaysa inaasahan ang pag-usad ng nuclear talks sa pagitan ng dalawang bansa.

Nakatakdang bumalik ng Estados Unidos si Trump at kanyang mga kasamang opisyal sa Miyerkules ng umaga matapos kausapin si Kim ngayong araw ng Martes. Ngunit Lunes ng gabi ay inanunsyo nito na Martes na siya ng gabi lilipad pa-Estados Unidos.

Hindi naman ipinagbigay-alam ng White House ang mga partikular na progresong naganap sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng preliminary discussion ng kani-kanilang delegasyon.

Mamayang alas-9 ng umaga magsisimula ang summit.

Bago naman umalis si Trump ay nakatakda itong magsalita sa harap ng mga kawani ng media upang ipaalalam ang naging resulta ng historical meeting ng dalawang lider.

 

 

 

TAGS: donald trump, Kim Jong un, NOKOR, US, donald trump, Kim Jong un, NOKOR, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.