Pagpupuslit ng pinatuyong seahorse, naharang ng BFAR

By Justinne Punsalang June 12, 2018 - 02:08 AM

Photo by CARLA P. GOMEZ/ Inquirer Visayas

Isang milyon, dalawandaang libong pisong halaga ng pinatuyong seahorse ang naharang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bacolod Silay Airport, Sabado ng tanghali.

Ayon sa pinuno ng BFAR Bacolod na si Marian Jill Abeto, narekober ang 58 kilo ng pinatuyong seahorse matapos subukang humingi ng local transport permit mula sa BFAR ang forwarder para maipadala ang ang kahung-kahong seahorse sa Maynila.

Batay sa shipment declaration, mga pinatuyong isda ang laman ng kahon. Ngunit nang siyasatin ng quaratine staff ang mga kahon ay doon na nakita na mga endangered seahorse pala ang laman nito.

Nakilala ang shipper ng kargamento na si Jerry Co ng McKinley sa Silay City ngunit patuloy pa siyang hinahanap ng mga otoridad.

Kasunod ng pagkumpiska sa mga pinatuyong seahorse ay nagpadala rin ang BFAR ng notice of violation sa shipper at forwarder ng nasabing kargamento. Haharap ang mga ito sa BFAR-Western Visayas adjudication committee kung saan sila mahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998.

Sa ilalim ng naturang batas, pagmumultahin ang mga lalabag ng P300,000 hanggang P5 milyon o makukulong sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Ayon kay Abeto, posibleng kinuha ang mga seahorse mula sa hilagang bahagi ng Negros ngunit hindi na ipinagbigayalam ng opisyal kung saan ang partikular na lugar.

Aniya pa, ginagamit ng mga Chinese ang seahorse para sa medisina.

 

 

TAGS: Bacolod Silay Airport, BFAR, seahorse, Bacolod Silay Airport, BFAR, seahorse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.