Lalaking wanted sa Quezon, naaresto sa Cavite

Courtesy of SPD

Arestado sa Barangay Longos, sa Bacoor, Cavite ang isang lalaki na mayroong pending warrant of arrest sa Quezon province.

Nakilala ang suspek na si Arvin Azur na mayroong kasong frustrated murder sa Mauban, Quezon.

Ayon sa Southern Police District (SPD), naaresto si Azur sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rodolfo Obnamia, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 64 sa Mauban, Quezon.

Nagtulong ang mga operatiba ng Las Piñas City Police at Mauban Municipal Police para sa ikaaresto ng suspek.

Sa ngayon ay naiturnover na si Azur sa Mauban Municipal Police upang harapin ang kasong nakasampa laban sa kanya.

 

 

 

 

 

 

Read more...