Nueva Viscaya, ramdam na ang lakas ng bagyong Lando
Kasalukuyang binabayo ngayon ng malakas na hangin at ulan ang lalawigan ng Nueva Viscaya.
Ayon kay Buddy Javier weather forecaster ng PAGASA, ang bagyong Lando ay nasa bisinidad ng Castaneda, Nueva Viscaya.
Nanatiling ang lalawigan lamang ng Aurora ang nasa ilalim ng Signal No. 4.
Ayon kay Javier, mabagal ang pag-usad ng bagyong Lando sa bilis na tatlong kilometro kada oras.
“Bahagyang-bahagya ang usad ni Lando, halos stationary sa bilis na 3-kilometers per hour,” ani Javier.
Ang bagyo ay kumikilos ng westward at inaasahang patungo sa direksiyon ng Cordillera Region.
Pero bago makarating sa Cordillera ay magtatagal pa ito sa lalawigan ng Nueva Ecija at Nueva Vuscaya.
Alas onse ng umaga ay maglalabas ng updated na weather bulletin ang PAGASA sa galaw ng bagyong Lando.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.