Mismanagement sa West Philippine Sea, isinisi sa nakaraang administrasyon
Nagkagulo umano sa West Philippine Sea o South China sea dahil sa mismanagement ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, naging maayos ang pamamahala ng administrasyong Duterte sa naturang teritoryo pero ang nag-mismanage aniya ay ang nakaraang administrasyon.
Pahayag ito ni Lorenzana sa gitna ng batikos sa umanoy kawalan ng aksyon ng gobyerno sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea sa kabila ng paborableng desisyon ng international tribunal.
Paliwanag ng kalihim, nadatnan ng administrasyong Duterte na walang kalakalan ang Pilipinas sa China, hindi nabebenta ang mga produkto ng bansa sa Beijing at walang pumupuntang Chinese tourists.
Pero ngayon aniya ay nabebenta na sa China ang mga saging ng Pilipinas at dumoble ang mga turista mula sa Beijing.
Nakakapangisda na rin aniya ang mga mangingisdang Pilipino sa naturang teritoryo liban na lang sa aniyay isolated incident ng umanoy pagkuha ng Chinese Coast Guard ng huling isda ng mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal na inireklamo na ng bansa sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.