Natapos ang karera ng Gilas Pilipinas para sa 2018 FIBA 3×3 World Cup sa win-loss record na 2-2.
Ngunit depensa ni Christian Standhardinger, hindi kakulangan sa talento ng kanilang koponan kasama sina Troy Rosario, Stanley Pringle, at Roger Pogoy ang nagdulot ng kanilang pagkatalo.
Ani Standhardinger, kulang sila sa ekspiryensya sa paglalaro para sa 3×3 kaya hindi sila nanalo sa ilan sa kanilang mga laban.
Sa apat na miyembro ng koponan, tanging si Troy Rosario lamang ang nakapaglaro na para sa 3×3, habang sina Standhardinger, Pringle, at Pogoy ay pare-parehong first-timers.
Hindi rin aniya nakatulong ang maikling panahon para makapag-ensayo. Tatlong linggo lamang kasi ang kanilang naging preparasyon, kung saan mayroon silang 11 practice days. Bukod pa ito sa iniindang injury ni Standhardinger sa kanyang tuhod.