Pamahalaan, dapat manindigan sa West Philippine Sea – VP Robredo

By Justinne Punsalang June 12, 2018 - 01:43 AM

Dapat magkaroon ng mas matapang na paninindigan ang administrasyong Duterte tungkol sa West Philippine Sea.

Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa isang forum patungkol sa West Philippine Sea na ginawa sa University of the Philippines Diliman.

Ayon sa bise presidente, humina ang paninindigan ng pamahalaan para makaiwas sa gulo, ngunit makikita naman na tila mas lumalalpit pa ang gulo batay sa mga nangyari kamakailan. Inihalimbawa ni Robredo ang pagpigil sa mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa West Philippine Sea at maging ang pag-agaw ng mga Chinese nationals sa naaning isda ng mga Pinoy sa lugar.

Dagdag pa ni Robredo, tinatawag ng pamahalaan ang West Philippine Sea bilang pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China, ngunit nagkaroon naman na aniya ng arbitral ruling noong 2016 na nagsasabing Pilipinas ang siyang tunay na may-ari sa lugar.

Nilinaw namang ng ikalawang pangulo na hindi niya gustong magkaroon ng giyera sa pagitan ng dalawang bansa.

Paliwanag ni Robredo, ang dapat gawin ng pamahalaan ay gawin lahat ng diplomatikong paraan ng pakikipag-usap sa China tungkol sa West Philippine Sea upang mapanatili ang maayos na relasyon sa mga karatig-bansa.

Nagbabala pa si Robredo na dapat mag-ingat ang pamahalaan sa pag-utang sa China dahil aniya, posible itong magkaroon ng consequences sa hinaharap. Aniya, bagaman kailangan ng bansa ng pondo para sa maayos na ekonomiya ay hindi naman nito dapat ilagay sa alanganin ang soberansya ng Pilipinas.

TAGS: Leni Robredo, West Philippine Sea, Leni Robredo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.