Pangulong Duterte, hinimok ang mga Pilipino na tularan ang mga bayani ng bansa

By Len Montaño June 12, 2018 - 01:04 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na gayahin ang pagiging bayani ng mga ninunong Pilipino sa gitna ng paglaban sa kurapsyon, droga at kriminalidad.

Sa kanyang mensahe sa ika-120 taon ng Araw ng Kalayaan, pinarangalan ng pangulo ang katapangan ng mga bayaning Pinoy na lumaban para sa kalayaan ng bansa.

Ayon kay Duterte, dapat gawing inspirasyon ng mga Pilipino ang mga bayani para magkaroon ng makabuluhan at pangmatagalang pagbabago sa bansa.

Ang pagkakaisa at kabayanihan aniya ng mga bayani at ninunong Pilipino ang dahilan ng pagnanais ng bawat isa na magkaroon ng pagbabago at labanan ang katiwalian, iligal na droga at krimen na nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa.

Nanawagan din ang pangulo sa mga Pilipino na ipagtanggol ang demokrasya habang patuloy na nahaharap ang bansa sa iba’t-ibang problema.

TAGS: bayani, independence day, Rodrigo Duterte, bayani, independence day, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.