Albayalde, inutusan ang mga hepe ng pulisya sa bansa na makipag-ugnayan sa mga pari

Inutusan ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang lahat ng hepe ng pulisya sa buong bansa na makipag-ugnayan sa mga pari na nakakatanggap ng banta sa kanilang buhay.

Kasunod ito ng pagpatay sa Kura Paroko ng Zaragoza, Nueva Ecija na si Father Richmond Nilo.

Ayon kay Albayalde, inutusan niya ang lahat ng Chiefs of Police na makipag-ugnayan sa mga pari sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga may problema sa kanilang seguridad.

Dapat anyang i-coordinate ng hepe ng pulisya ang pari sa kanyang area of responsibility na may death threat sa pari ng pambansang pulisya.

Dagdag ng PNP Chief, hindi lang ito para sa mga Katolikong Pari kundi sa lahat ng nasa religious sector.

 

 

 

 

 

 

Read more...