Lalaki, patay sa pananasala ng Bagyong Domeng

By Len Montaño June 12, 2018 - 01:36 AM

Isa ang kumpirmadong patay sa pananalasa ng Bagyong Domeng na nagpa-igting sa Hanging Habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasawi si Algemon Dalisan Nuñez ng Brgy. Corong Corong, El Nido, Palawan at isang staff ng Orange Pearl Resort.

Nalunod si Nuñez matapos lumubog ang sinasakyan nitong jet ski dahil sa malakas na current ng karagatan.

Kalaunan ay nakita ng isang dayuhan ang bangkay ni Nuñez sa dalampasigan ng Brgy. Corong Corong.

Ang labi ng biktima ay positibong kinilala ng pamilya nito at mga kasamahan sa nasabing resort.

Samantala, naitala ng NDRMMC ang pagbaha sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at CARAGA.

 

 

TAGS: Bagyong Domeng, Corong Corong, El Nido, Palawan, Bagyong Domeng, Corong Corong, El Nido, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.