Heavy Rainfall Warning, itinaas ng PAGASA sa Bataan, Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan
Muling nagpaglabas ng Heavy Rainfall Warning ang PAGASA kaninang hatinggabi dahil pa rin sa Hanging Habagat.
Nasa ilalim ng Orange Warning Level ang lalawigan ng Bataan.
Inaasahan na magiging mapanganib ang bahang maaring maidulot nito.
Habang nasa Yellow Warning Level naman sa Metro Manila, Zambales, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Kaugnay nito maaring bumaha sa mga mabababang lugar.
Mula naman sa mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecoja at Hilagang Quezon na maaaring tumagal sa loob ng tatlong oras.
Inaabisuhan ang mga publiko at mga concerned na mga disaster risk reduction and management council na magbantay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.