LTFRB inutusan ng DOTr na ayusin ang serbisyo ng TNVS sa bansa

Binigyan ng full authority ng Department of Transporation ang Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ayusin ang regulasyon sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Sa inilabas na memorandum circular ng DOTr, sinabi ng kagawaran na dapat tiyakin ng LTFRB na hindi malulugi ang mga pasahero at hindi rin naman mapapabayaan ang kapakanan ng mga operator ng TNVS.

Inilabas ang nasabing kautusan sa gitna ng mga reklamong tinatanggap ng DOTr partikular na sa sobrang paniningil ng ilang TNVS partikular na ng Grab.

Bukod sa over charging, inirereklamo rin ang ilan sa kanilang mga hidden charges.

Isa pa sa mga inirereklamo ng mga pasahero ay ang pagiging bastos at arogante ng ilang Grab driver.

Sa kanilang panig, nangako naman ang pamunuan ng Grab na aayusin nila ang kanilang serbisyo at kaagad na susunod sa mga alituntunin ng LTFRB.

Ang LTFRB ang siyang nangangasiwa sa mga prangkisa at nagre-regulate ng pamasahe para sa iba pang mga pampublikong mga sasakyan.

Read more...