Daan-daang manggagawa ng Torre de Manila nawalan ng trabaho

June 17, 2015 - 12:54 PM

torre
Kuha ni Ricky Brozas

Dismayado ang halos dalawang libong manggagawa ng DMCI Homes na contactor ng Torre de Manila sa biglaang pagkawala ng kanilang trabaho.

Ayon Kay Mang Danilo Ravelo, isa sa mga mason ng itinatayong gusali, inabisuhan na sila ng DMCI na tigil muna sila sa kanilang trabaho.

Hindi aniya nila inaasahan ang pagpapahinto sa kanilang trabaho dahil bilang Mason ay sa Disyembre pa sana matatapos ang kanyang kontrata.

Hindi na rin pinayagan pa na makapasok sa work area ng Torre de Manila ang mga trabahador, maliban na lamang sa mga may kukunin pang gamit.

Samantala sa hiwalay na panayam ng mga mamamahayag sa isa sa mga kinatawan ng DMCI na tumangging magpakilala, sinabi nito na ililipat sa ibang project site ang ibang apektadong manggagawa sa Torre de Manila.

Pero ang iba naman aniya ay hindi na kukunin pa dahil walang bakante para sa kanilang posisyon tulad ng mga tiler o nagkakabit ng tiles.

May nakapaskil na ring karatula sa labas ng work site ng Torre de Manila na may nakasaad na “work suspended” DMCI homes management.

Dahil sa utos ng korte suprema na ipahinto ang konstruksiyon ng Torre de Manila ay daan-daang manggagawa ang naapektuhan na ang karamihan ay mga inaasahan ng kani-kanilang mga pamilya./ Ricky Brozas

TAGS: dmci, Radyo Inquirer, torre de manila, dmci, Radyo Inquirer, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.