Justice Carpio: Pilipinas nawalan ng masipag na taga-depensa sa West Philippine Sea
Nagpaabot ng pakikiramay si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio sa pagpanaw ni dating National Security Adviser Roilo Golez.
Ipinahayag ni Carpio na walang kapagurang dinepensahan ni Golez ang West Philippine Sea.
Sinabi ni Caprio na isinulong ng ni Golez ang mapayapang paraan sa paggiit ng sovereign rights sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng batas.
Pumanaw si Golez kaninang umaga makaraang atakehin sa puso sa edad na 71.
Kilala siya sa pagsulong ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagsilbi siyang national security adviser mula 2001 hanggang 2004 sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at naging kinatwan rin ng Paranaque City sa Kamara ng ilang termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.