China tiniyak na mananagot ang mga abusadong nilang tauhan sa WPS

By Rohanisa Abbas June 11, 2018 - 04:35 PM

Inquirer file photo

Nagkausap na ang Pilipinas at China ukol sa pagkuha ng Chinese Coast Guard ng mga huling isda ng mga Pinoy na mangingisda sa West Philippine Sea partikular sa Scarborough Shoal.

Ipinahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na napag-usapan na nina Foreign Affairs Alan Peter Cayetano at Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang insidente.

Dagdag ni Roque, nakausap niya rin mismo si Zhao.

Aniya, sinabi ng Chinese ambassador na iniimbestigahan na rin ito ng China.

Ayon kay Roque, tiniyak sa kanya ni Zhao na parurusahan ang mga sangkot na miyembro ng Chinese Coast Guard kung mapatutunayan ito.

Hindi naman itinuturing ng Malacañang na harassment ang insidente.

Nauna dito ay inireklamo ng ilang mangingisda ang umano’y madalas na pagkuha ng mga Chinese Coast Guard personnel ng kanilang mga huling isda kahit na ito ay nasa bangka na nila.

TAGS: DFA, Roque, scarbourough shoal, zhao, DFA, Roque, scarbourough shoal, zhao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.