Sundalo at isang militiaman dinukot ng mga teroristang NPA sa Davao Oriental

By Rohanisa Abbas June 11, 2018 - 04:22 PM

Dinakip ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang isang sundalo at isang militiaman sa Mati City, Davao Oriental.

Ayon kay Chief Inspector Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao Police Office, tinatayang 20 komunistang rebelde ang dumukot kina Corporal Johannes Parreño at Dindi Sagayno.

Naganap ang insidente sa Barangay Buso dakong alas-5:30 kahapon.

Sakay ng habal-habal sina Parreño at Sagayno habang binabagtas ang provincial road tungong Barangay Taguibo.

Pagdaan nila sa chekpoint ng mga teroristang NPA ay kaagad na dinakip ang dalawang biktima.

Ayon kay Driz, pinaniniwalaang mga myembro ng Pulang Bagani Company 6 ng CPP-NPA sa ilalim ng Alyas Jeg ang dumukot sa mga suspek.

Tinutukoy na ng militar ang lokasyon ng mga biktima para sagipin.

TAGS: CPP, dinukot, mati city, militiaman, NPA, CPP, dinukot, mati city, militiaman, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.