Pagbawas sa VAT hindi pa napapanahon ayon sa DBM
Hindi suportado ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang mga panawagang ibaba ang value-added tax.
Sinabi ni Diokno na hindi napapanahon na ibaba sa 10% mula 12% ang VAT.
Ipinahayag ng kalihim na dapat na hintayin muna na maipatupad ang kabuuan ng Tax Reform for Acceleration anf Inclusion (TRAIN) Law.
Dagdag ni Diokno, mas mabuti na rin ito kaysa income tax dahil walang nakakatakas sa VAT.
Ipinatupad ang Package 1 ng TRAIN Law na pinaliit ang personal income tax at pinalaki ang VAT base ayon sa paliwanag ng opisyal.
Una nang ipinahayag ng Department of Finance ang pagpapababa ng 12% VAT sa mga produkto at serbisyo oras na matugunan ang tax exemptions.
Nauna dito ay kinalampag ng iba’t ibang grupo ang gobyerno dahil sa anila’y pagtaas ng mga presyo ng produkto at serbisyo na naramdaman sa pagpapatupad ng TRAIN Law sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.