IBP naghain ng motion for reconsideration sa quo warranto case ni Sereno

By Den Macaranas June 11, 2018 - 03:33 PM

Naghain ng motion for reconsideration ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Supreme Court kaugnay sa quo warranto case laban sa pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Laman ng kanilang 16-page motion ang kahilingan na baliktatin ng Mataas na Hukuman ang nauna nilang desisyon laban sa dating punong mahistrado.

Sinabi ng IBP na hindi dapat kinatigan ng Supreme Court ang inihaing reklamo laban kay Sereno ni Solicitor General Jose Calida.

Naniniwala rin ang IBP na sa pamamagitan ng kanilang mosyon ay malilinawan ang walong mga mahistrado na bumoto pabor sa pagsipa sa pwesto ni Sereno.

Samantala, naniniwala naman ang Solicitor General na mananatili ang naunang desisyon ng Supreme Court sa inihain niyang reklamo.

Maliwanag naman umanong napatunayan na may mga pagkakamali si Sereno na siyang naging dahilan ng pagpapatalsik sa kanya bilang punong hukom ng bansa.

TAGS: calida, IBP, Motion for Reconsideration, quo warranto, Sereno, calida, IBP, Motion for Reconsideration, quo warranto, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.