Dating DOT Sec. Wanda Teo iniimbestigahan na ng Ombudsman dahil sa katiwalian

Inquirer file photo

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kabilang si dating Tourism Sec. Wanda Teo sa mga nakasalang ngayon sa imbestigasyon ng kanyang tanggapan.

Binanggit rin ng Ombudsman na dapat silipin ng husto ng pangulo ang kanyang kampanya kontra kurapsyon dahil nagpapatuloy pa rin ang katiwalian sa pamahalaan.

Gayunman ay naniniwala ang opisyal na seryoso sa kanyang pananalita ang pangulo na tutuldukan nito ang katiwalian sa hanay ng mga tauhan ng pamahalaan.

Aminado rin si Morales na nasasaktan siya sa mga batikos sa kanya ng pangulo pati na ang pahayag ni Duterte tungkol sa impeachment laban sa Ombudsman.

Pero tanggap umano niya ang lahat ng ito at patuloy siyang nakatutok sa kanyang trabaho kontra sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Samantala, tumanggi naman si Morales na magbigay ng komento sa mga kaso na kinakaharap nina Deputy Ombudsman Melchor Carandang at Solicitor General Jose Calida.

Sa July 26 ay nakatakdang matapos ang termino ni Morales bilang Ombudsman.

Read more...