Pasok sa gobyerno at klase sa buong Metro Manila kinansela na ng Malacañang

By Den Macaranas June 11, 2018 - 03:03 PM

Inquirer file photo

Kinansela na ng Malacañang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng executive department.

Sa inilabas na Memorandum Circular number 46 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, hanggang alas-tres na lamang ng hapon ngayong araw ang pasok sa mga sangay ng gobyerno.

Kasabay nito ay kanselado na rin ngayong hapon ang lahat ng mga klase sa mga paaralan para sa buong level ayon sa advisory na inilabas ng Malacañang para sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, “Agencies of the government involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness, and other vital services shall continue with their operations”.

Kaninang tanghali ay naglabas ng advisory ang PAGASA hingil sa inaasahang malakas na buhos ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Pinayuhan rin nila ang publiko na manatili na lamang sa loob ng mga bahay kung hindi rin lang naman importante ang mga lakad lalo na ngayong hapon.

TAGS: Floods, maetro manila, Malacañang, Pagasa, rain, Floods, maetro manila, Malacañang, Pagasa, rain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.