Ayon kay VACC Vice Chairman Arsenio Evangelista, iginagalang ng VACC ang posisyon ng Simbahang Katolika laban sa death penalty, pero umaasa sila na mababago ng mga insidente ang posisyong ito.
Sa loob ng anim na buwan, aabot sa tatlong pari ang nasawi sa pananambang.
Pinakahuli rito ang pagpaslang kay Father Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan kahapon. Sinabi ni Evangelista na posibleng may kinalama sa adbokasiya ng mga pari ang motibo sa mga insidente.
Aniya, naghahanda na ang VACC para imbestigahan ang mga ito.
Ayon kay Evangelista, dadalo sana sa isang national debate sa ibang religious groups si Nilo na isa sa mga tinitignang anggulo sa krimen. Pero sinabi ni Evangelista na personal siyang hindi naniniwala dito.