Maraming lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nakaranas ng brownout
Nawalan ng kuryente ang maraming lugar sa Metro Manila bago mag-tanghali ng Lunes, June 11.
Ayon sa abiso ng Meralco, naganap ang power interruption sa pagitan ng alas 10:30 ng umaga at pasado alas 11:00 ng gabi sa magkakaibang lugar sa Metro Manila at mga karating lalawigan.
Sa Maynila, kabilang sa mga naapektuhan ang Ermita, Intramuros, Pandacan, Sampaloc, San Miguel, Sta. Mesa, Sampaloc, Sta Cruz, Tondo, Malate at Sta. Ana.
Sa Mandaluyong City nawalan ng kuryente ang Wack-Wack Greenhills East.
Sa Quezon City naapektuhan ng power interruption ang Camp Aguinaldo, Ugong Norte at White Plains.
Nawalan din ng kuryente ang Greenhills sa San Juan City.
Sa Parañaque City, nawalan ng kuryente ang BF Homes, Don Bosco, San Antonio at San Isidro.
Sa Pasay City, nawalan ng kuryente ang Pasay City Proper.
Habang sa Makati City naman, parehong nawalan ng kuryente ang mga Barangay Bel-Air, Palanan, Pio del Pilar, San Isidro Forbes Park at Dasmariñas Village.
Nawalan din ng kuryente ang Fort Bonifacio sa Taguig City at ang Barangay Ugong sa Pasig City.
Sa lalawigan ng Cavite, nawalan ng kuryente ang mga barangay na sakop ng Maragondon, Magallanes, Gen. Emilio Aguinaldo at Alfonso.
Sa Antipolo naman naapektuhan ng interruption ang mga Barangay Dela Paz, Mambugan at Muntindilaw.
At sa Cainta, nawalan din ng kuryente ang Barangay San Juan.
Emergency power interruption lang ang ibinigay na dahilan ng Meralco sa pagkawala ng kuryente sa maraming lugar.
Nakasaad din sa abiso ng dalawang oras ang itinagal ng mga naganap na power interruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.