Mahigit 14,000 mga pamilya, apektado ng paghagagupit ng Habagat – NDDRMC
Nasa 14,096 pamilya na o katumbas ng 71,322 na indibidwal ang apektado ng patuloy na pag iral ng masamang panahon sa bansa.
Sa pinakahuling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ng ahensya na dulot ng malakas na pagbaha, inilikas na ang nasabing mga pamilya at pansamantalang nanunuluyan na sa kanilang mga kamag anak.
Sa kabuuan, aabot na sa 81 mga bahay ang tuluyang nasira habang 15 bahay naman ang bahagyang nasira ng Habagat na hinatak ng Bagyong Domeng.
Kaugnay nito nakapagpamahagi naman na ng P1,418,400 na halaga ng tulong ang Department of Social and Welfare Development at Local Government Units sa mga pamilya na apektado ng masamang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.