BREAKING: Dating National Security Adviser Roilo Golez pumanaw na
Pumanaw na sa edad na 71 si dating National Security Adviser at Congressman Roilo Golez.
Ito ang kinumpirma ng kaniyang anak na si Parañaque Vice Mayor Rico Golez.
Wala namang ibang impormasyon na inilabas pa ang pamilya ni Golez hinggil sa naging dahilan ng pagpanaw ng opisyal.
May guesting pa sana sa isang television show si Golez kaugnay sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea pero hindi na ito nakarating.
Nagtapos si Golez sa US Naval Academy at naging Philippine Navy Officer.
Nagsilbi din siyang postmaster general sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
At naging kongresista ng parañaque sa loob ng anim na termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.