Ilang insidente ng pagpatay sa mga pari, hindi dapat ikabahala ng publiko – Albayalde
Hindi dapat ikabahala ng publiko ang ilang insidente ng patayan na kinasasangkutan ng mga pari.
Ito’y kahit na tatlong pari na ang pinatay nitong nakalipas na 7 buwan.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Alabayalde, hindi dapat maalarma ang publiko sa pagpatay sa ilang pari dahil hindi naman araw-araw ay may pinapatay na alagd ng simbahan.
Kaya naman isolated case lang umano kung maituturing ang mga nakalipas na insidente.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Albayalde na tinututukan nila ang kaso ng mga patayan sa mga pari. At sa katunayan ay bumuo na sila ng Special Investigation Task Force para maresolba ang kaso ng pagpatay kay Father Richard Nilo.
Si Fr. Nilo na ang ikalawang paring pinatay sa Nueva Ecija. Una nang pinatay si Fr. Marcelito Paez sa Nueva Ecija noong Disyembre 2017.
Sumunod si Fr. Mark Ventura na pinatay sa Cagayan Valley.
Habang nitong June 6 naman, nakaligtas si Father Rey Urmamenta matapos tambangan ng dalawang lalaking naka-motorsiklo sa Brgy. 3, Calamba City, Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.