Korte Suprema nagdeklara na ng half day work ngayong araw, June 11

Nagdeklara na ng suspensyon sa trabaho sa mga korte sa Metro Manila.

Sa abiso ng Supreme Court, nagpasya si Acting Chief Justice Antonio Carpio na magpatupad na ng half day ngayong araw para sa mga Korte sa NCR.

Base sa abiso, hanggang alas 12:00 na lang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila dahil sa sama ng panahon.

Sakop ng deklarasyon ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandigabayan at Court of Tax Appeals.

Sa mga korte naman sa iba pang mga lugar, ipinaubaya ng SC sa Executive Judges ang pagpapasya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...