Heavy rainfall warning nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cagullo June 11, 2018 - 11:31 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Zambales at Bataan.

Ito ay base sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA heavy rainfall warning ang umiiral sa Metro Manila at mga nabanggit na lalawigan.

Epekto pa rin ng Habagat ang nararanasang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Light hanggang moderate naman at kung misan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan as mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Northern Quezon, Tarlac at Nueva Ecija.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, Metro Manila, northern quezon, Pagasa, Radyo Inquirer, Tarlac, yellow rainfall warning, Bulacan, Metro Manila, northern quezon, Pagasa, Radyo Inquirer, Tarlac, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.