Pagpatay sa pari sa Nueva Ecija, kinondena ng Diocese ng Cabanatuan

Kinondena ng Diocese ng Cabanatuan ang pagpatay kay Rev. Fr. Richmond Nilo na timabangan kahapon bago ang pagdaraos ng isang misa sa Nuestra Señora dela Nieve Chapel sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa opisyal na pahayag Bishop Sofronio Bancud ng Cabanatuan, mariin din nilang kinokondena ang lumalalang kaso ng karahasan at impunity sa bansa.

Nanawagan din si Bishop Bancud sa publiko na ipanalangin si Fr. Nilo.

Kasabay nito, nanawagan ang obispo ng hustisya at patas na imbestigasyon sa pagkasawi ng pari.

Hiniling din nito sa mga nakasaksi at may impormasyon sa posibleng dahilan ng pagpatay sa pari na makipagtulungan sa mga otoridad.

Si Fr. Nilo ay labingpitong taon nang pari at maliban sa pagiging Parish Priest ng St. Vincent Ferrer Parish sa Zaragoza ay financial administrator din ng Diocese ng Cabanatuan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...