Ayon kay Sotto nadadaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa diplomasiya ang sitwasyon kaya’t walang dahilan aniya na maging mainit ang pamahalaan.
Giit pa nito napakabait ng China sa Pilipinas at aniya kailangan ng bansa ng maraming kaibigan at hindi kalaban.
Reaksyon ito ni Sotto sa sinabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na dapat ay maging agresibo ang gobyerno sa pagpo-protesta laban sa China dahil sa mga ginagawa nitong hakbang sa mga pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.
Hinggil naman sa pangha-harass umano ng Chinse coast guard sa mga mangingisdang Filipino sa Scarborough Shoal, sinabi ni Sotto na maari naman kausapin ni Pangulong Duterte ang Chinese ambassador para ipaalam kay Chinese President Xi Jinping ang mga nangyayaring ito.
Pinaniniwalaan din ni Sotto ang Malakanyang sa pahayag na hindi ipinatigil ni Pangulong Duterte ang pagsasagawa ng AFP ng territorial patrol sa West Philippine Sea.