PCP commander sa Pasay sibak matapos na hindi madatnan sa opisina ni NCRPO Chief Eleazar

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 11, 2018 - 10:12 AM

Ipinatatawag na sa headquarters ng National Capital Region Police Office ang commander ng isang Police Community Precints sa Pasay City.

Ito ay makaraang hindi siya madatnan sa kaniyang opisina ni NCRPO Director, Chief SUpt. Guillermo Eleazar nang ito ay mag-ikot kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar na dinatnan niya ang PCP Station 1 sa CCP Complex sa Pasay City na naka-lock at kinailangan pa niyang kumatok bago mapagbuksan.

Nang makapasok sa loob gamit ang backdoor sa opisina ng PCP commander na si Chief Insp. Allan Estrada ay wala ito sa opisina.

Ani Eleazar, wala naman sanang problema kung tulog si Estrada lalo na kung hindi naman siya naka-duty, basta’ mayroong deputy na nakatalaga.

Pero ani Eleazar, naka-lock ang opisina ni Estrada at hindi binubuksan kahit kumakatok sila kaya dumaan sila sa backdoor.

Dahil sa nasabing insidente, inalis na sa pwesto si Estrada at naglagay ng officer-in-charge sa PCP.

Sa ibang binisitang istasyon ng pulisya, wala namang nakitang problema si Eleazar sa mga naka-duty na pulis.

Lahat aniya ng naka-duty ay naka-complete uniform at malinis ang mga opisina.

Tanging naging problema lamang ay may ibang istasyon ng pulis na may mga nakakalat na upos ng sigarilyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Guillermo Eleazar, Pasay City, PCP commander, Radyo Inquirer, Guillermo Eleazar, Pasay City, PCP commander, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.