Pangulong Duterte pangungunahan ang aktibidad para sa Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 11, 2018 - 09:47 AM

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktibidad sa paggunita ng ika-120 Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite.

Sa abiso ng Malakanyang, kasama sa schedule ng pangulo bukas ang pagdalo sa flag-raising at wreath-laying ceremony sa Kawit, Cavite alas 8:00 ng umaga.

Sabayan ang gagawing pagtataas ng Watawat bukas kung saan maliban sa Kawit ay may flag-raising at wreath-laying ceremony din sa Rizal Park sa Maynila, Malolos, Bulacan; Monumento, Caloocan; San Juan; Angeles City, Pampanga; at Manila North Cemetery sa Maynila.

Samantala, ang iba pang aktibidad para sa pagdiriwan ng Araw ng Kalayaan bukas, June 12 ay ang libreng medical, dental at optical services mula alas 7:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon sa Noli Me Tangere Garden sa Rizal Park.

Gayundin ang jobs fair ng DOLE na gaganapin din sa Rizal Park mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Gagawin din ang taunang band and drills exhibition ng ADP, PNP, Coast Guard at MMDA alas 9:00 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 120th Independence Day celebration, Kawit Cavite, Rodrigo Duterte, 120th Independence Day celebration, Kawit Cavite, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.