Pulis na protektor ng drug lord na si ‘Jaguar’, patay sa buy-bust operation sa Mandaue City
Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police na sangkot sa iligal na droga matapos manlaban sa drug buy-bust operation sa Tipolo, Mandaue City.
Ayon kay Police Chief Supt. Romeo Caramat, alas-7:50 kagabi, aarestuhin lang sana nang pinagsanib na pwersa ng Counter Intelligence Task Force at Drug Enforcement Unit ng Mandaue Police si Senior Inspector Raymond Hortezuela pero nanlaban ito at pinaputukan ang mga operating unit.
Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakasawi ng suspek.
Nabatid na si Hortezuela ay matagal ng target ng PNP, sangkot daw kasi ito sa aktibidad ng iligal na droga sa Cebu City at protektor din umano ng nasawing drug lord na si Jaguar.
Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang kalibre 45 na baril na kargado ng bala at 1 transparent plastic na naglalaman ng 75 pakete ng hinihinalang shabu. Nakuha rin sa kanya ang P2,000 marked money at isang sasakyan na pinaniniwalaang carnapped.
WATCH:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.