Ilang lansangan sa Maynila isasara bukas sa paggunita ng Araw ng Kalayaan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 11, 2018 - 08:28 AM

Magpapatupad ng road closure bukas sa ilang lansangan sa Maynila para bigyang daan ang mga aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit isasara ang sumusunod na lansangan mula alas 6:00 ng umaga para sa gagawing flag raising at wreath-laying ceremonies:

  • Northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw Avenue
  • Kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive

Ayon sa MDTEU ang mga motoristang apektado sa pagsasara ng nabanggit ng mga lansangan ay maaring gamitin ang sumusunod na ruta:

  • para sa mga light vehicles na patungong south, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, at kanan sa TM Kalaw
  • ang mga truck at trailer truck na patungong south, kaliwa sa P. Burgos at kanan sa Finance Road
  • para sa mga light vehicles na pa-northbound, kanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa, kaliwa sa P. Burgos
  • ang mga truck at trailer truck na pa-northbound kanan sa President Quirino Avenue

Samantala, mula alas 9:00 ng umaga sarado naman ang sumusunod na kalsada para sa military-civic parade:

  • Southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
  • kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive

Ang mga maaapektuhang motorista ay maaring gamitin ang sumusunod na ruta:

  • para sa mga light vehicles na pa-southbound, gamitin ang Anda Circle at kumanan sa Soriano Ave.
  • ang mga truck na pa-southbound ay gamitin ang Anda Circle at lumabas sa Bonifacio Drive
  • para sa mga sasakyang pa-northbound diretso ng Bonifacio Drive, at kumanan sa TM Kalaw Avenue.

Payo ng Manila Traffic kung wala namang importanteng lakad sa lugar ay iwasan muna ang nasabing mga lansangan bukas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: independence day, manila, Manila District Traffic Enforcement Unit, road closures, independence day, manila, Manila District Traffic Enforcement Unit, road closures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.