Higit 6,000 katao ang inilikas sa iba’t ibang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Lando
Nasa kabuuang 6, 546 katao ang inilikas sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon na nasa ilalim ng signals 4 at 3 dahil sa super typhoon Lando.
Sa Isabela pa lang ay nasa 2, 954 ang bilang ng mga inilikas o katumbas ng 852 pamilya mula sa mga coastal municipalities.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio, ang bagyong Lando ay nanatili sa mabagal na galaw na tatlong kilometro kada oras sa lakas na 175kph na may pagbugsonb aabot sa 210kph.
Kasalukuyan ngayong nasa ibabaw ng Casiguran at Maria sa lalawigan ng Aurora ang bagyong Lando.
Magtatagal pa sa kalupaan ang bagyong Lando at sa Huwebes pa ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.