Number coding iiral pa rin kahit walang pasok sa halos buong Metro Manila
Kahit maraming lugar ang nagsuspinde ng klase ngayong araw sa Metro Manila, mananatili ang pag-iral ng number coding.
Wala pang anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung magsususpinde sila ng coding ngayong araw.
Sa tugon ng twitter ng MMDA sa mga nagtatanong kung ili-lift ba ang pag-ira ng coding, ay sinabi ng ahensya na mananatili pa rin ang coding.
Halos buong Metro Manila ay nagsuspinde na ng klase ngayong araw ng Lunes para sa lahat ng antas.
Maliban lamang sa Taguig City na hanggang High School lang ang suspensyon at sa Makati na hindi naman nag-anunsyo ng suspensyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.