MRT at LRT may libreng sakay bukas, Araw ng Kalayaan

May libreng sakay sa MRT at LRT sa June 12 araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng MRT-3, mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi sa Martes ay magbibigay sila ng libreng sakay.

Sa parehong oras din ang pagkakaloob ng libreng sakay ng LRT line 1 na biyaheng Baclaran to Roosevelt at pabalik.

Gayundin ang LRT line 2 na biyaheng Santolan to Recto naman at pabalik.

Ang libreng sakay ay handog ng LRT line 1 at 2 at ng MRT-3 para sa paggunita ng araw ng Kalayaan.

Read more...